User:E Wing/Pandaigdigang pagkakapatiran
MGA KONSEPTO NI RIZAL SA PANDAIGDIGANG PAGKAKAPATIRAN
Ang mga sumusunod na konsepto ay halaw sa mga salita, talumpati, mga sinulat at masusing pagaaral tunkol sa kanyang nakaraan at mga ginawa.
MGA HUMUBOG KAY RIZAL
A. Pinagmulan (lahi): Ang pagiging malayo at dugong nagmula sa kanyang ina na Ilokano at Pangasinan.
B. Pananampalataya (relihiyon): Ang impluwensya ng Cristianismo ay isa rin humubog sa kanya. Ipinanganak, bininyagan at natutu sa Romano Katoliko.
C. Pagiging palabasa ni Rizal: Maraming sulatin, libro at mga publikasyon na naimprenta sa ibat ibang wika ang kanyang nabasa.
D. Pagiging dalubwika ni Rizal: Ang kaalaman nya sa ibat ibang wika maliban sa sariling wika. Nauunawaan at naisasalita niya ang wika at wikaing ito.
E. Manlalakbay: Nabubuo niya ang pakikipagkaibigan sa ibat ibang nasyon at mga dayuhang kanyang nadadatnan sa bawat paglalakbay.
MGA IDEA NI RIZAL TUNGKOL SA PAGKAKAPATIRAN Ilan sa mga nabanggit ay ang konsepto ni Rizal: A.Edukasyon: Ang pagpapalaki ng maayos at may pinagaralan ng mga anak upang di matamasa ang paghihirap na dinanas ng mga kababayan dahil sa pagiging ignorante ng mga ito sa kamay ng mga Espanyol.
B.Pananampalataya o Rilihiyon: Ang pagkilala sa iisang Diyos. Ang pagkakaroon ng ibat ibang relihiyon ay di dapat magbubunsod ng di- pagkakaintindihan. Bagkus, gamitin ito upang magkaroon ng pagkakaisa at kalayaan. Magkaroon ng malalim na respeto sa kani-kanyang paniniwala na nakasanayan at nakalakhan.
C.Kapwa: Mahalaga sa isang tao ang kapwa o kapwa tao. Pagkilala sa pantay-pantay na karapatan ng bawat kapwa-tao gaano man kaiba ang paniniwala at antas ng pamumuhay.
MGA BATAYAN NG PANDAIGDIGANG PAGKAKAPATIRAN Itoy base sa opinion ni Rizal na mula sa mga sinulat at mga talumpatini na naglalayong dapat itatag ang pagkakaisa o pagkakapatiran ng mga nasyon.
Ang kawalan ng karapatang pantao ay isang pundamental na dahilan o batayan na gustong maiwaksi sa pamamagitan ng pagtatag ng pagkakaisa. Ang pagkakaroon ng pantay na karapatan, hustisya, dignidad, at kapayapaan ay isang hiling ni Rizal. Ang mutual na pagkakapatiran na naglalayon ng malaking respeto sa pananampalataya ng tao ang kinakailangan upang sa pagkakaiba man ng ating lahi, edukasyon, at edad ay ang relihiyon o ang Poong Maylikha ang basehan sa pagkakaisa ng mga tao. Ang ‘racial discrimination’ ay isang negatibong epekto ng kolonyalismo. Ang pagkakaroon ng pandaigdigang pagkakapatiran na naglalayong maiwaksi ang anumang discriminasyon dahil sa kani-kanyang lahi, stado sa buhay, o relihiyon. Kapayapaan ang hiling ni Rizal upang maihinto ang kolonyalismo ng mga bansa. Itoy isa rin sa concern ni Rizal sa mutual na pagkakaintindihan di lamang ang Espanya kundi ng iba’t ibang bansa. Tulad ng pagprotesta ni Rizal sa pagsasapubliko ng mga Igorot sa Madrid noong 1887 na anya magbubunsod ng galit at di pagkakaintindihan ng mga tao na naniniwala sa kahalagahan ng isang lahi.
BALAKID TUNGO SA PANDAIGDIGANG PAGKAKAPATIRAN Ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng bawat tao sa mundo ay matatamo ang pagbabago at kapayapaan. Ang paniniwala ng karapatang pantao, dignidad at kahalagahan ng tao at pagkakapantay-pantay ng karapatan sa panig ng kalalakihan at kababaihan at mga nasyon.
Sa talumpati ni Rizal: Ang Pilipinas ay mananatiling Espanya kung maibibigyan ng buhay ang batas at sibilisasyon nito, kung ang karapatang pantao ay marerespeto at maipagkaloob ng walang bahid at pagkukunwari.
Sa kanyang salita naipakita ang balakid na maipatupad ang minimithing pagkakaisa at pagkakapatiran ng tao. Ito ang mga sumusunod:
A. Kawalan ng karapatang pantao. B. Maling paniniwala sa implementasyon ng mga kasunduan. C. Pananamantala ng ibang mga tao. D. Pagsasawalang bahala o pagbbibingi-bingihan sa karaingan ng mga tao. E. Rasyal na Discriminasyon.
Sinabi ni rizal sa sulat sa kaibigan: Kung ayaw ng Espanya na maging kaibigan o kapatid ang Pilipinas , mas lalao naman ang Pilipinas Ang kagustuhan ay ang kagandahang loob ng Espanya at inaasam ang hustisya at hindi ang awa. Kung ang pagsakop ng isang bansa ay nagbubunsaod ng paghihirap nito mas magandang lisanin ito at bigyan ng kalayaan. Maipapakita dito na ang pagnanais ni Rizal ng pagkakaibigan ang Espanya at Pilipinas ang inaasam-asam ngunit itoy base sa pagkakapantay-pantay ng karapatan.
MGA GINAWA NI RIZAL UPANG MAIPAHAYAG ANG PANDAIGDIGANG PAGKAKAPATIRAN A.Pagorganisa ng mga samahan: Kasama rito ang mga kilalang iskolar at syentista na kinilala bilang International Association of Filipinologist.
B. Pakikipagkaibigan: Sa bawat paglalakbay niya ay nakakikilala at nagiging kaibigan niya ang mga dayuhan na nakikisimpatya sa dinaranas at nangyayari sa Pilipinas.
C. Pananatili ng pakikipagugnayan: Habang at bago pa siya naipatapon sa Dapitan napapanatili nya ang pakikipagugnayan sa kaibigan sa ibat’t ibang dako ng mondo at nakikipagpalitan ng opinion at mga sulatin pati specimen na kanyang napagaralan.
D.Pagsali sa mga samahan: Naniniwala si Rizal sa mga adhikain ng mga samahan para sa pagkakaisa at kalayaan ng tao. Hindi siya nawawalan ng oras at opurtunidad na makisali sa mga organisasyon.
rferences: Rizal as the Father of Filipino Nationalism(manila: Bureau of printing,1941), pp.3-4. "Rizal's Concept of Worl Brotherhood", 1958, pp.48-60