Jump to content

User:Masterpalomo

From Wikipedia, the free encyclopedia

Maiksing Kasaysayan ng Pagkakatatag ng Orden ng Mercedarian at Ang Mapaghimalang Aparisyon ng Mahal na Birhen INA ng awa.

Ang kasaysayan ng debosyon sa Nuestra Señora de la Merced ay nagsimula sa bansang Espanya noong ika-labintatlong siglo kung saan maraming Kristiyano ang dinakip, pinag-uusig, at ginawang alipin ng mga Moro. Maraming tapat na binyagan ang nabilanggo dahil sa hindi nila pagsuko sa kanilang pananampalataya. Dahil sa patuloy na pagdalangin at paghingi ng awa, noong ikalawa ng Agosto taong 1218, nagpakita sa isang mahimalang aparisyon ang Mahal na Ina ng Diyos kay San Pedro Nolasco, isang mangangalakal na noo’y masigasig nang tumutulong sa mga Kristiyanong bihag; kay San Raymundo de Peñafort, isang paring dominikano; at kay Don Jaime, Hari ng Aragon. Dito ay itinagubilin ng Birheng Maria ang kanyang eskapularyo at ipinag-utos niya, sa patnubay ng kanyang Anak, ang pagbuo ng isang samahan na ang pangunahing layunin ay iligtas ang mga Kristiyanong bihag mula sa pang-aalipin ng mga Moro. At noong ika-sampu ng Agosto ng taon ding iyon, opisyal na itinatag ni San Pedro Nolasco ang Orden ng Nuestra Señora de la Merced  (Mercedarian Order). Dito ay kinilala ng mga Paring Mercedario si Maria bilang Ina ng Awa at Patrona ng kapisanan. Naging matagumpay ang Orden sa pagpapalaya at pagtubos sa mga Kristiyanong bihag at magpahanggang sa ngayon ay ipinagpapatuloy pa rin nila ang kanilang tungkulin na tulungan ang mga Kristiyanong nasa panganib na mawalan ng pananampalataya dahil sa mga makabagong uri ng pang-aalipin, bilang kanilang pangako sa pagsunod sa mga gawa ng Panginoong Hesukristo, ang Manunubos, at bilang debosyon sa Birheng Maria, Ina ng Awa. 

Pagkakatatag ng Parokya

Ang Kasaysayan ng Parokya ng Nuestra Senora dela Merced sa Bahay Pare, Candaba, Pampanga

ANG BAHAY PARE Ang Barrio ng Bahay Pare ay isang nayong napapaligiran ng sakahan ng palay at pakwan. Ito ay nasa silangang distrito ng Bayan ng Candaba. Sa kadahilanang ito ay nasa bukana ng bayan ng Baliuag, Bulacan, karaniwang Tagalog ang wikang ginagamit dito. Walang makapagsasabi kung bakit Bahay Pare ang taguri sa barriong ito sapagkat hanggang ngayon ay walang dokomentong nakapagpapatunay sa pinagmulan nito. Ayon sa mga nakatatanda, ang lugar na kung tawagin ngayon ay Bahay Pare ay siyang bahay bakasyunan ng mga prayleng kastila. Sapagkat tahimik ang lugar at sariwa ang hangin, marahil ninais nilang dito manirahan. Dahil na rin dito ay nagpagawa sila ng isang munting kapilya upang maidaos ang misa. Sa tuwing may magtatanong sa isang tao na patungo sa lugar na ito, sasabihin nyang "sa bahay ng pari" at madali na itong malalaman ng mga taong nagtatanong.

ANG PAROKYA NG NUESTRA SENORA DELA MERCED Abril 26, taong 1937 ng pormal at opisyal na tawaging parokya ang bahay-bakasyunan ng mga pari sa Bahay Pare. Bagamat noon lamang ito naging opisyal, panahon pa ng mga Kastila ay may pari na sa lugar na ito. Ang mga sakop na baranggay nasa hangganan ng mga bayan ng Baliuag at San Ildefonso ng Bulacan at San Luis at Candaba ng Capampangan. Si Rev. Pde. Roberto Rurain, kura paroko ng Baliuag, ang nagpetisyon upang maging parokya ang Bahay Pare. Sa kanyang sulat, sinabi niya sa Lubhang Kgg. Miguel O'Doherty, Arzobispo ng Maynila na lubhang malayo na ang lugar kaya ang mga tao ay madalang na makapagsimba. Kaya nga siguro ginawang sentro ang Bahay Pare para tayuan ng pamparokyang simbahan at mga sakop nito ay ang mga barrio ng Bahay Pare, Pangclara, Pulong Gubat, Vizal Sto Nino, Vizal San Pablo, Paligue, Talang, Dulong Ilog, Dalayap at Pulong Palazan ng Candaba at Pulong Bayabas ng San Rafael Bulacan. Sa mga barriong nabanggit sa opisyal na dokumento, wala ang Tenejero, Vizal Sto. Cristo, Barit, Mangga sa Candaba at Pansumaloc sa San Rafael dahil hindi pa naihihiwalay ito noon. Taong 1948, nang panandaliang itatag ang Parokya ng Senor Salvador sa Salapungan, Candaba, ngunit daglian din itong isinara dahil sa epekto ng Digmaang Pandaigdig, mula noon hanggang 1985, naging sakop din ng Bahay Pare ang mga barriong sakop nito, Salapungan, Magumbali, Lourdes, Tagulod, Cauayan Bugtong, Barangca, Mapaniqui at Mandili. Isang mabigat na hamon ang sakupin ang ganito kalaking lugar na napaghihiwalay ng mga pulo-pulong komunidad dahil sa layo sa isa't-isa ng isang pastol na pari. Ang mga naging Pari ng Parokya ng Nuestra Senora dela Merced ay ang mga sumusunod: 1. 1937- (?) Rev. Padre Felipe Manalang

                   -pagkatapos ng kanyang termino ay nagpadala ng ibang pari ng Baliuag sa dahilang nagpetisyon si Rev. Pde. Roberto Rurain dahil pagkalipas ng isang taon ay walang nagiging pagbabago sa parokya. Hindi naging opisyal na kasama sa listahan ang mga paring ito sapagkat papalit-palit lamang sila.

2. 1950-1952- Rev. Pde. Simplicio Fernandez 3. 1952-1966- Rev Pde. Roberto dela Cruz 4. 1966-1970- Rev. Pde. Benjamin Henson

                      -siya ang nagpasimula ng paggawa ng isang mas    malaking simbahan.

5. 1970-1971- Rev. Pde. Apolonio Mallari 6. 1971-1975- Rev. Pde. Lope Hernandez

                   -naipagpatuloy pa at maraming nagawa sa parokya noong kanyang     panahon.

7. 1975-1980- Rev. Pde. Benjamin Paraan

                    -nagawa ang altar na narra

8. 1980-1982- Rev. Pde. Diosdado Austria

                    -nagkaroon ng mas magandang ugnayan sa mga barriong sakop ng Parokya.
                      *Rev. Pde. Vidallo- siya ay mula sa Baliuag na nagsilbing pari sa Bahay Pare dahil sa pansamantalang pag-alis ni Fr. Doy. Utang na loob natin sa kanya ang madaling araw na prusisyon at ang pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Virgen ng Lourdes. Kilala siya sa kanyang salitang "Panginoon ko, mamamatay akong maligaya."

9. 1982-1984- Rev. Pde. Lorenzo Sarmiento

                      -naitatag ang Parokya ng Virgen ng Lourdes sa Talang, Candaba na naghiwalay sa mga barriong Mangga, Tenejero, Dalayap, Talang, Barit at ilang barrio ng San Luis.

10. 1984-1988- Rev. Pde. Ermelito Simbulan

                       -muling nabuksan ang El Senor Salvador Parish at sinakop ang mga dating nasasakupang barrio. Sa kanyang panahon din nagawa ang altar na marmol.

11. 1988-1993- Rev. Pde. Manuel Sta. Maria

                      -maraming naisaayos sa parokya lalo na ang mga lihis na petsa ng fiesta ng mga barrio. Siya rin ang nagpasimula sa isang mas maalab na debosyon sa Mahal na Ina, Nuestra Senora dela Merced. Nasimulan din ang pagnanais na makoronahang Canonical ang imahen ng Mahal na Birhen. Sa kanyang kapanahunan din nagsimula ang Marian Procession sa Parokya.

12. 1993-2001- Rev. Pde. Allan Sicat

                      -sa kanyang mahabang paninilbihan bilang kura paroko, naipagawa ang isang mas mataas na kumbento na siya pa rin tinitirhan ng pari hanggang sa ngayon.

13. 2001-2004- Rev. Pde. Resurreccion Diwa

                      -maraming pagbabago ang naganap sa panahon ng paring ito. Umalab ang debosyon sa Mahal na Birhen dela Merced. Sa kanyang panahon nasimulan ang Mercedarian Procession, Mercedarian Festival (paglibot ng Mahal na Birhen mula August 2 hanggang sa Nobena ng Kapistahan sa mga sakop na barrio), naibalik ang Marian Procession, Marian Exhibit, nagawa ang replicang imahen ng Nuestra Senora de la Merced, napinturahan ang simbahan, sumigla ang mga kabataan sa parokya dahil dito nagkaroon ng magandang ugnayan ang mga barrio ng parokya. Sa kanyang panahon din nakita ni Dr. Alvin Balatbat ang Eskapularyo ng Birhen dela Merced sa St. Patrick's Cathedral, Nueva York, America. Ito ay sadyang nagpalakas at nagpaalab ng debosyon ng mga mananampalataya hindi sa Bahay Pare kundi sa buong mundo. Dahil dito, nagkaroon din ng apostolado ang parokya ng Bahay Pare na tinawag na Krusada dela Merced na naglalayong abutin ang mga kapatid natin sa bilangguan.

14. 2004-2006- Rev. Pde. Eymard Ocampo

                        -sa kanyang kapanahunan nagawa ang retablong adobe ng Bahay Pare na hinahangaan hindi lamang sa loob ng parokya kundi lahat ng nakasilay dito. Bumisita rin sa Radio Veritas ang Pilgrim Image ng Nuestra na siyang lalong nagpalablab sa pamimintuho sa Mahal na Ina.

15. 2006-2013- Rev. Pde. Stephen Susi

                       -sa kanyang panahon, maraming pagbabago ang naganap, kinumpuni at pinaganda ang lumang simbahan. Ipinagpatuloy ang pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ngunit ito ay panandaliang itinigil dahil sa pagpapasimula siya sa isang mas mataas na simbahan na hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakamit ang kayarian. Sa kanyang panahon din nagawa ang kasalukuyang retablo na gawa sa narra.

16. 2013- present- Rev. Pde. Pedrito Sitchon

                           -sa kanyang pag-upo bilang kura paroko, nai-atang sa kanyang balikat ang hindi pa tapos na simbahan ng Bahay Pare. Unti-unti nyang pinagsusumikapang mayari ang simbahang ito upang sa pagpapatuloy ng kanyang termino ay madala ang atensyon sa mga planong pastoral. Naipapatuloy pa rin hanggang sa panahong ito ang debosyon sa Mahal na Ina, Nuestra Senora dela Merced.

(Ayon sa pagsasaliksik ni MACM)